Kwentong Barbero

Alden

Siyempre, hindi magpapahuli sa napapanahon si Ponso! Panoorin kung ano ang pinakabagong upgrade sa BARbershop niya.

Direction

Ang mundo ngayon, masyado nang impersonal, ultimo mga taong bundok, nagre-rely na sa Waze. Paano na lang pag pumalpak ang technology, si Ponso nanaman ang gagawa ng solusyon?

EDSA

May ganap daw sa EDSA? So traffic na naman? Aba hindi pwede yan! Asahan niyong Ponso will save the day and take it to the streets. Rebolusyon na itow!!!

Eleksyon

Ayan na namaaan. Can you smell it? It’s election time again in da Pilipins. A.K.A pangalawang pakrismas sa mga botante A.K.A Utuan 2016 A.K.A Bolahan.com. It’s all about the maneh! Masilaw kaya ng salapi si Ponso?

GRO Applicant

Hindi ka successful kung wala kang assistant! Kaya naman si Ponso, double time sa pagpapa-audition este pag-iinterview ng mga aplikante para maging kaniyang sexytary!

Jologs

Ginagalit na naman si Ponso e. Bakit ba kasi may mga taong na nakikiuso lang sa trending?

Rest Solution

Ang pagbabago, nagsisimula sa sarili. At walang mas may kilala sa sarili niya kundi si Ponso.

Self-Help

Bakit ka pa mag-aaral sa Business school at magbabasa ng kung anu-anong libro kung nandiyan naman ang friendly neighborhood BARbershop?

Over Drayber

Shiiieeet! Nahanap na yata ni Ponso ang kinginang katapat niya!

Tag-Ulan

Brrrrr!!! Alamin ang perfect damoves na naaayon sa panahon from our resident romantico!

Isang Dosena

Ang inyong mga anak ay biyaya ng may kapal. Kaya anak lang ng anak dahil “population is power”.

Poor Man’s Diet

Dapat pangalagaan ang sarili hindi lang dahil kelangan maging beach worthy ang body. Ano nga kaya ang diet suggestion ni Ponso sa kliyenteng napabayaan… sa kusina?

Tuli

Alam niyo bang ang lalaking sensitibo ay supot? Alam ni Ponso yan. Maniwala ka!

Pink Headband

‘Wag kang magkakamali sa pag mix ‘n match ng damit. Alam mo naman si Ponso expert pagdating sa fashion.

Honesty

‘Wag kang clingy. ‘Wag kang praning. Buti sana kung tulad ka ni Ponso na binoyfriend lang ng isang babae para kaniyang money, body and everything.

Laboracay

Itong si Ponso, dati allergic sa mga adik na adik sa Laboracay! Ngayon, tila nag-iba ang ihip ng hangin! Aba! Aba! Aba! Balak pang kumuha ng pinaka-malupet na personal trainer!

Init Ulo

Maraming masama ang habits! Insensitive sa mga people around them lalo na sa mga important persons like Ponso! Gusto sila bigyan ni Ponso ng yema as reward sa ugali nila!

Manouvers

Hindi lang sa gupitan magaling si Ponso! He can actually bust a move. Muntik na nga siya maging member ng Manouvers kung hindi lang insecure si Gary V.

Mentality

Pare, wag ka munang lalapit kay Ponso ngayon. Deliks, mehn.

Valentines

People change. At minsan, people chains other people. Ponso’s inlaaaab!

Chinese New Year

Huuwaw! Lahat na lang made in China, pati New Year!

Diz Mah Lyf

Halika’t makinig sa kwentong lalabas sa kanyang malaking bibig. Ikaw na magdesisyon kung ito’y totoo, o isa na namang imbentong kwento! Break it down!

Episode 1: The Ultimate Barber

Meet Ponso – isang barberong saksakan ng daming kwento! At ngayong kaarawan niya, magshi-share siya ng mga istorya na walang kakwenta-kwenta.

Episode 2: Budget Cut

Andaming opinyon ni Ponso tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas! Pareho kaya kayo ng pananaw sa inflammation – este, inflation?!

Episode 3: One True Love

Umibig ka na ba at nabigo? Si Ponso rin may kwento ng heartbreak tungkol sa dati niyang girlfriend na si Wendy. Ano nga kayang nangyari at hindi sila nag-work out?

Episode 4: Mayor Iron Hands

Konting panahon na lang at malapit na naman ang eleksyon. Ang “ex-candidate” na si Ponso, may kwento tungkol sa kanyang pagtakbo! Nanalo kaya siya o hindi?

Episode 5: Romansa Espesyal

Ano nga ba ang surefire way para lumakas ang sex appeal mo sa mga babae? Sagot ni Ponso – Romansa Espesyal! Ano to? Panoorin mo!

Episode 6: Yabung Tool

Impressed ka ba sa mga nakikita mo sa social media? Si Ponso, sampu ng kaniyang mga elite friends ay hindi fan ng social media. Bakit kaya?

Episode 7: Alamat ng Ahit

Sadya ka bang mabuhok tulad ng mga tao sa Baranggay Goatie? Ikukwento ni Ponso kung paano sinimulan ng lolo niyang pintor na mahilig sa tahong at talaba ang trend ng pag-aahit.

Episode 8: Second Collection

Constituents rin ba kayo ng parokya na sinisimbahan ni Ponso? Kung mahilig ka magbigay sa simbahan, ikukwento ni Ponso kung paano ang profit-sharing ng koleksyon sa misa.

Episode 9: Budol Budol

Fan ka ba ng Boracay? Ang paraisong ito na may mala-polvoron na buhangin ay dating pag-aari ng maharlikang pamilya ni Ponso. Bakit nga kaya pinakawalan ng pamilya ni Ponso ang hitik sa gandang lugar na ito?

Episode 10: Papal Cut

Sa sobrang galing niya maggupit, kumalembang sa Vatican ang pangalan ni Ponso. Kaya naman ang santo papa, isinama sa itinerary niya ang pagpapagupit sa barberong malupit. Hahayaan kaya silang magtagpo ng tadhana?

Episode 11: Bisaya Ka Ba?

Ponso Barbero, atapang atao! Makapaglingkod sa bayan at ubusin ang mga tulisan ang kaniyang laban. Alamin ang physical and mental preparations niya para maging astig na sundalo. Papasa kaya siya sa PMA?

Episode 12: Chismis

Ang tsismis, kahit may ebidensya pag ikinwento mo, tsismis pa rin! Ika nga ni Ponso, “Owenongayon kung totoo?”

Episode 13: Manager

Naranasan mo na ba maging employee of the month for three years? Sa isang high end na mall? ‘Yan ang record ni Ponso na hanggang ngayon ay wala pang tumatalo. Pero bakit nga kaya nauwi sa pagiging barbero ang malupit na manager na si Ponso?

Episode 14: Side A Side B

Side A Side B- Sabi ni Ponso, walang puwang sa mundo ang mga balimbing! Tignan mo na lang ang mga pulitiko natin na parang langaw, kung san mas nag-uumapaw ang tambak ng basura, dun pumupunta!

Episode 15: MVP

Kung bolahan rin lang ang laban, walang tatalo kay Ponso diyan. Ang pagiging baller, tumatakbo sa dugo niya. Sa katunayan, pinsan niya ang sinasabing pinakamalupit na basketbolista sa Pilipinas.

Episode 16: Pick-up Lines

May bahid ka ba ng pagiging swabe sa mga chicks? Kung wala, pumunta ka na sa barberya ni Ponso at mag-enroll sa Pick up Lines 101.

Episode 17: Beach Body

Tama na ang photo op habang nagwo-workout. Sundin na lang ang tips ni Ponso sa tamang pagpa-pakondisyon ng katawan at ‘wag ang ehersisyong pang “foam without fraction” lang.

Episode 18: Turo-turo

Alam niyo ba ang significance ng turo-turo sa lipunan natin? Hindi lang basta eatery yan. Palibhasa wala kayong degree sa sociology tulad ni Ponso. ‘Wag mag-alala, hindi siya madamot sa kaalaman, ie-explain niya ito sa ‘yo.

Episode 19: Know-it-all

Walang taong pinanganak na alam ang sagot sa mga tanong ng mundo. Closest thing to that ay si Ponso na may sagot sa 9 out of 10 questions ng mga earthlings. Sabi niya nga, hindi siya isang know-it-all.

Episode 20: Pangarap Kong Jackpot

Ang pagtaya sa lotto ginagamitan ng algorithms, hindi lang luck. Ituturo sayo ni Math wiz Ponso ang technique para manalo sa lotto!

Episode 21: Million Peso Job

Mahirap kitain ang pera, utlimo si Ponso 20k a day lang ang shop niya. Buti pa yung kumpare niya na, saksakan ng dali ng trabaho pero isang million kada araw ang sweldo!

Episode 22: Tunay na Lalaki

Kung hindi rin lang ikaw ang uncle ni Ponso, wag ka na magyabang sa pagiging chickboy mo. Mula Batanes hanggang Jolo, lahat ng babae kilala niya at kabisado ang amoy. Pero kampante si Ponso na merong isa na hindi makikila ng tito niya. Tama kaya siya o matutumbok pa rin ito ng tito niyang kilala bilang Ultimate Tunay na Lalake.

Episode 23: Bumbilya

Sobrang proud si Ponso sa kinalakihang tatay niya. Sino ba namang hindi bibilib sa isang taong nagmi-midnight snack ng bumbilya! Gusto mo rin siya maging daddy ‘no?

Episode 24: EDSA Traffic

Pag si Ponso ang naging presidente, solb ang trapik sa EDSA! Ang lupet pa ng solusyon niya, siguradong mae-excite ka! Clue, babaeng makinis at ubod ng sexy! Oha, na-intriga ka ‘no? Gusto mo na siya maging presidente ‘no?

Episode 25: Direk

Passionate sa film si Ponso, bukod sa marami siyang alam na film jargons, nakatrabaho na niya ang mga top brass “cinematographers” ng industriya. Pero bakit kaya hindi siya bilib sa award-giving bodies ng pelikula dito sa bansa?

Episode 26: Ligaw

Kung ligawan rin lang, champion si Ponso diyan. Advanced course pa ang ibibigay niya sayo. 10 tips at sure na uuwi kang taken.

Episode 27: Chef

Pamatay na foods ba kamo, hindi mo malalampasan ang luto ni Ponso. Manliliit ang culinary experts sa na-achieve niya.

Episode 28: Conyo

Wag kang gastador kung ayaw mo matulad kay Ponso este sa tropa ni Ponso na barkada ng mga Ayala, Montinola at iba pang ilustrados!

Episode 29: Mapangmata

Aba, wag niyong susubukan si Ponso. Kaya niya kayong bilhin, don’t be deceived by his farmer’s get up.

Episode 30: Tito Jokes

Kung gusto mo ng new arrivals na joke, sagot ni Ponso yan. Pag di mo na gets, di ka funny tulad ni Ponso, baduy ka!

Episode 31: Business Typhoon

Pag magnenegosyo, sundin ang business model ni Ponso. Gusto mo malaman kung ano to? Nagsisimula yan sa, “kape tayo!”.

Episode 32: Batang Hamog

Wag ka nagfo-flaunt ng gamit kung ayaw mong manakaw sa iyo to at matawag na supot. Uy, walang ganyanan, wag niyo naman tawaging supot si Ponso.

Episode 33: Tigyawat sa Mani

Si Ponso, sa sobrang catch, ultimo hot na chicks sinusubukan siyang ligawan gamit ang mga mamahaling bagay. Alamin ang istorya ng mga nagkakandarapang babae sa kaniya.

Episode 34: Job Hunting

Alam mo bang anak ni Ponso ang naka-imbento ng Twitter? Grabe, gifted talaga ang anak niya, pagkatapos ng pre-school, rekta college na!

Episode 35: Media

Wag kang abusado kahit pa media ka kung ayaw mong mayari kay Ponso the bornalist (broadcast journalist).

Episode 36: #YOLO

Alamin ang payo ni Ponso para sa mga may malalang hang-over… Garantisadong epektibo!

Episode 37: Anak

Yung tropa ni Ponso, nalasing nung nagleleybor yung misis. Alamin ang nangyari!

Episode 38: Denial

Kung gagawa ka ng kalokohan, may paalala sa’yo si Ponso. Dapat mong sundin ang banal na kasulatan ng BBAE para hindi ka mabulilyaso.

Episode 39: Haters

Mapandaot ka ba? Hinay-hinay kung ayaw mong si Ponso naman ang mag-hate sa ‘yong pagiging “Haters”.

Episode 40: Global Warning

Kung naiinitan ka, bumili ka ng Ponso fan, Ponso fan you blow ma’ mind! Pero wag ka ha, yayariin ka niya pag wala kang malasakit sa earth kahit pa matindi na ang “Global Warning”.

Episode 41: Slomo

Meeeeennn, anonggg naaaangyayareee, bakettt gaaaanitooo pakiraaammdammm kooo? Woooohhoooo

Episode 42: Reunion

What a coaccident! Sa barberya ni Ponso nagpagupit ang nawawala niyang ama. Abangan ang nakakatawang madamdaming pagtatagpo ni Ponso at ng Datu ng Cubao.

Episode 43: Double Meaning

Wag madumi ang isip! You cannot judge Ponso or anyone because you are not perfect yourself, you are only human.

Episode 44: Kape

Mahilig ka ba sa kape? Pwes! Dapat masubukan mo ang special blend ng kafi coño-sure na si Ponso.

Episode 45: Kapit-Bahay

Buti na lang maingay yung bunganga nung kapit-bahay ni Ponso at nagising sya. Ang sama pa naman ng dine-day dream nya kagabi.

Episode 46: Mumu

Takot ka ba sa multo? Si Ponso hindi.. Brave sya e. Sabi nga ni ponso, grown up na sya..

Episode 47: Nanay Mo

Ang mga nanay ang ilaw ng tahanan kaya dapat silang igalang… Subukan nyong laitin ang nanay ni Ponso nang makita nyo hinahanap nyo.

Episode 48: No Littering

Ay pag ikaw nag-“loitering”, yari ka kay Ponso. Ayaw na ayaw niya ang nagkakalat kahit pa environmental advocate ka.

Episode 49: Mountain Bike

“Huwaw! Alam niyo bang si Ponso pala ang pioneers ng isang sikat na sport at hobby dito sa Pilipinas?”

Episode 50: Artist

Gusto mo ng magandang art pero ayaw presyo mo pang-bart burger lang. Yari ka kay Ponso, hindi pwede sa kaniya yan!

Episode 51: Duling na Aso

Maselan talaga itong si Ponso pagdating sa hygeine. Ayaw nya ng kadire… Yaaaak!

Episode 52: Mema

Andaming taong comment ng comment, pero wala naman talagang alam sa pinagsasabi nila. Pweh!

Episode 53: Musikero

Si Ponso na ata ang ultimate polymath. Alam mo bang nasa music industry rin siya? Hanep talaga.

Episode 54: Under d’ Saya

Kung ikaw takot sa asawa, tipong ikaw ang nagsusuot ng palda sa inyong mag-asawa, siguradong makakarinig ka kay Ponso! Nakooooo!

Episode 55: Love Advice

Marami nang pinagdaanan si Ponso pagdating sa mga gumuhong pag-ibig. Pakinggan kung paano ang tamang asal pag katapos ng break-up straight from the love expert a.k.a Ponso.

Episode 56: Boy Burdado

Don’t judge a person by its body cover of tattoos. Yan ang prinsipyo ni Ponso, napakalawak talaga niya mag-isip.

Episode 57: Hartrob

Hustle maging pogi huh. Bawat oras mo ginugulo ka. Haaaaaay!

Episode 58: Pilipin Bulbul

Proud na proud talaga ako sa Bulbul ko. Kung ikaw may Bulbul, dapat proud ka rin!

Episode 59: Utol Mo

Kung maghahanap ka ng magiging boyfriend, look no more else. Baka katabi mo lang yung nakaputing polo na may hawak na suklay at gunting. He is your guy!

Episode 60: Reporter’s Cut

Model citizen ka ba? Aba dapat! Si Ponso, bantay sarado ang mga nangyayaring kababalaghan sa kanilang lugar! At ipinapaparating niya ito sa kinauukulan, sa T3!

Kwentong Barbero Diz Mah Lyf

Halika’t makinig sa kwentong lalabas sa kanyang malaking bibig. Ikaw na magdesisyon kung ito’y totoo, o isa na namang imbentong kwento! Break it down!