Tanods

Season 2 Episode 1: Welcome Back to San Laan

Balik sa dati ang mga Tanods ng San Laan. Iikot ang kwento sa paghahanap nila kay Satriani dahil 1 linggo na itong hindi nila nahuhuli. Si Lilibeth naman naghahanap ng pagkakaabalahan dahil medyo nagsisi siya na pinakawalan lang niya ng ganun ganun si Nestor. Typical San Laan problems

Season 2 Episode 2: Mangga’t Bagoong

Ang episode na ito ay tungkol sa mangga at bagoong. Yun lang!

Season 2 Episode 3: Hawiin Natin ang Ulap ng Pag-ibig

Hindi lang sa rosary nahahanap ang mystery dahil pati si Satriani ay may secret din na tinatago mula sa mga tanods.

Season 2 Episode 4: San Laan Angels

Hindi na mapakali si Lilibeth sa kinikilos ni Nestor kaya humingi na siya ng tulong sa gal pals niya.

Season 2 Episode 5: Today in San Laan

May special feature ang San Laan sa news at excited ang mga Tanods para rito. Kaso hindi ito ang report na inaasahan ni Kap.

Season 2 Episode 6: Welcome to Brightwood Hills Part 1

Magtutulungan ang mga Tanods ng San Laan at Brightwoodhills sa lumalaganap na drug sa lugar nila na tinatawag na “Babycakes”. Dahil sa valiant effort ng dalawa ay matagumpay nilang makikita ang kuta ng mga drugs. Pero hindi pa dun nagtatapos ang imbestigasyon ni Nestor dahil franchise place lang pala ang nahuli nila. Dagdap pa riyan, abangan rin ang special appearance nf Japanese bombshell na si Maria Ozawa!

Season 2 Episode 7: Welcome to Brightwood Hills Part 2

Season 2 Episode 8: SPO1 Apolonio

Pulis na si Nestor at sinabak siya ng kanilang kapitan sa isang drug bust operation. Hindi lang niya inaasahan na madadamay dito ang barangay na dati niyang binantayan. Wala siyang choice kung hindi bumalik sa San Laan.

Season 2 Episode 9: Attorney and Me

Ito yung episode na papakita mo sa kaibigan mong nagtatanong ng “Ano na nangyari sa season 2 ng Tanods”?

Season 2 Episode 10: Baby Cakes

Nabisto na nila ang kuta ng drugs ng “Baby cakes”. Kaso mas personal pala na problema ito para kay Matthew dahil kilala niya kung sino ang nagpapaikot ng droga sa lugar.

Season 2 Episode 11: YOLOgy

May mawawala at babalik sa San Laan. Hanggang dun na lang dahil baka ma-spoil ka.

Season 2 Episode 12: Paalam San Laan

:(

Season 1 Episode 1-2: Welcome to San Laan

Handa ka na bang makilala ang mga magigiting na tanods ng Barangay San Laan? Panoorin ang pinakamasiklab, pinakabongga at pinaka-star-studded na online comedy show ng taon! Starring internet action star-slash-bayaw Jun Sabayton, cutie pie Martin Escudero, sexy lady Jinri Park, at ilan pang mga artista, kilalanin si Capt. Roger Grace at ang kanyang squad, at sundan ang kanilang kakaibang misadventures bilang mga Tanods!

Season 1 Episode 3: Satriani D’ Wise

Sino si Satriani? Bakit siya labs nila Capt. Roger Grace at ng tanods ng Barangay San Laan? Ano ang kanyang nagawa kaya siya ay nakulong? Bakit ko tinatanong sa’yo ang lahat ng ‘to?

Season 1 Episode 4: Bulaklak ng Bethlehem

Nabingwit ng misteryosong beauty na si Lilibeth ang puso ng bagong tanod na si Nestor! Pero hindi ganoon kadali ang manligaw. Strict daw ang parents ni Lilibeth.

Season 1 Episode 5: Are You Having Fun?

Ayaw paawat ang mga kapitbahay sa kaka-videoke! Ang mga tanod na ang on the scene para maka-iwas gulo at maabot ang kinasasabikang high score.

Season 1 Episode 6: Banyo Kings

Sinamahan ni Cap Roger si Satriani sa banyo para hindi makatakas. Pero makukulong sila dito dahil sira pala ang ang lock ng pintuan.

Season 1 Episode 7: Seoul It’s You

Ano ba ang kwento ng Koreanang kilala lang natin bilang “Bheybs” at paano siya naging sekretarya ng mga tanod? This is a Day in the Life of Bheybs!

Season 1 Episode 8: Palitaw Litaw

Nautusan si Nestor bumili ng merienda para sa mga tanods. Hindi niya inasahang maikukwento niya ang buong buhay kay Winona, ang ate cutie vendor ng palitaw.

Season 1 Episode 9: Dear Kuya

Kinakabahan ang mga tanods dahil lalaya na ang kapatid ni Solomon na si Django. Kilalang siga ang magkapatid at hindi alam ni Solomon kung ano ang gagawin niya pag nalaman ng kanyang kuya na isa na siyang tanod ng San Laan.

Season 1 Episode 10: Sa Pula, Sa Puti

May away sa San Laan at ang pinapapunta ni Cap dito ay ang pinaka mabait na tanod na si Matthew. Ang hindi alam ng mga kolokoy ay may madilim na may alter ego ang Eminem ng San Laan!

Season 1 Episode 11: Dadbod Killer

Nahuli na ang kilalang killer ng San Laan. Ang problema lang ay napagkamalan na si Cap ang killer at kinulong ng mga pulis. Gagawin ni Nestor at ng mga tanod ng San Laan ang lahat para mapatunayan na inosente ang bigotilyo nilang captain.

Season 1 Episode 12: Goodbye San Laan

Dahil sa heroics ni Nestor ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maging lehitimong pulis. Kaya lang, medyo nainlab na ata siya sa barangay at sa mga kasamahan niyang tanod. Ano kaya ang desisyon ng binatilyo. Bakit ko tinatanong sa yo to?

A Tanods Christmas Special

Sinubukan kunin ng Tanods si Jose Mari Chan bilang guest. Kaya lang busy kaya eto na lang nangyari.

Tanods Season 2 Episode 12: Paalam San Laan

:(